[header html]
Entry: Recordable Pen Thursday, June 01, 2006



Pinuntahan ko ang isang pokpok para ibigay yung SLR camera na matagal na nyang hinihiram. Pagkatapos ko syang makitang maging retarded kakakwento sa mga bata na syempre pasok ang pangalan ko at pangalan ng taxi namin at tatay ko naisip namin na maghapunan. Ayun! May pera ang pokpok kaya naman umorder na ko ng spaghetti na may chicken at syempre ang garlic stix hindi pwede malimutan. Marami akong nadiskubre nung gabing yun, hindi lang sa kanya, sa mahal ko, kundi mas lalo na sa sarili ko.

pokpok: I'm so inlove pare
dax: email ad ko yan
pokpok: seryoso.

Realization #1:
   Darating lang talaga sa buhay ng kahit sinong tao yung partner nila sa mundo. Makakapagpasaya sa kanila sa di malamang kadahilanan. Kapag may mga nagkekwento saken ng ganito parang namimiss ko mainlove uli.

pokpok: naisip ko na kailangan ko ng magseryoso at magkagirlfriend nung magkakasama tayo ng boylet mo tapos nagtampo sya sayo
dax: nainggit ka sa eksenang yun?!
pokpok: gaga! naiiyak na nga ko nun eh! sobra! kasi na-touch ako. lalo na nung mukha ka ng basura pero lakad ka pa rin ng lakad kasi hinahanap mo sya. Parang naisip ko gusto ko na magkaroon ng girlfriend na maglalakad ng ganun kalayo pag nagtampo ko.
dax: tsaka yung magsusuka ng dugo??
pokpok: medyo.

Realization #2:
    Madalas hindi napapansin ng mahal natin yung effort na binubuhos natin. Balewala man sa mahal natin, pero sa ibang taong nakakakita sa'ten nagiging inspirasyon ito at nakakapagpabago ng buhay nila. Kaya go lang sa sacrifice! May ibang nakakapansin ng lahat - walang sayang.

pokpok: dati masama loob namin sa boylet mo lalo na nung nasa peak sya ng pambabae.
dax: talagang "peak" huh..
pokpok: wala lang naisip namin na you don't deserve him kahit kaibigan pa namin sya.
dax: sya nga kawawa sa'ken eh
pokpok: dun ko lang din nalaman na.. mahal ka din ni [toooot -bawal pangalanan]. and [toooot] likes you too. Inisa isa mo ba kami???
dax: ay.. kasalanan ko ba yun!? (malanding tawa)
pokpok: ang landi mo bakla

Realization #3:
    Maraming nagmamahal sa bawat tao ng hindi nila nalalaman kaya huwag mag-suicide.

dax: ... naniniwala kasi ako na pag hindi ka na nasasaktan sa kahit anong kagaguhan ng mahal mo, matakot ka na, kasi ibig sabihin nun "out" na. hindi mo na sya mahal.
pokpok: kaya?
dax: ok lang masaktan ka, kasi you'd never know you're alive lest you bleed dba?
pokpok: okey. curious lang ako.. nasasaktan ka pa ba sa kanya?
dax: isa lang masasabi ko.. baliktad na kami.
pokpok: tarantada ka.
dax: penge textmate! globe ha!

Realization #4:
    Dumarating ang panahon na kung ano yung mga pinaka-ayaw nating klase ng tao ay nagiging tayo mismo.

-the end-

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments