[header html]
Entry: Pa-tutor naman Saturday, May 27, 2006



Oo, turuan mo ko.
Kasi hanggang ngayon humahapdi pa rin ang puso ko.
Natatakot pa rin ako.. lalo na ngayon mabubuo na tayo
Baka makalimot ka na naman. Isang daliri na lang ang nakakapit sa'ken - pinky pa yun.
I have faith in you? Yes. Is it strong? That I don't know.
Turuan mo akong mawalan ng takot.
Turuan mo kong maging malinaw ang isipan. hindi maghinala. magtiwala.

"..SO IBIG SABIHIN PALA NYAN HINDI PA RIN MATATAG PAGKAKAKILALA MO SA'KEN?!"

oo, mabuti kang tao.. at mahilig ka sa babae.
may main meal at dapat may side dish.
Nagbago ka na.. oo. Ilang beses ko na narinig yan at ilang beses din yan nabigo.
Kaya nga magpapatutor ako sa'yo.
pano ba itatapon na lang yung sakit na nararamdaman  ko.
may kailangan bang sleeping pills para hindi na bumalik ang bangungut

pagod na ko magsimula uli.
hindi ko na rin alam kung saan magsisimula kung sakali.

Kailangan ko talaga ng tutorial mo.
Ikaw lang, walang kasamang side dish.

   1 comments

MW
May 30, 2006   05:58 PM PDT
 
ganon talaga ang buhay, minsan talaga hindi nangyayari yung mga bagay na inaakala natin kahit anong buti natin sa kapwa Ano ba ang magagawa natin, talagang may mga taong mapagsamantala, at walang pakiramdam sa damdamin ng ibang tao, ang pwede molang gawin ay magdasal (parang akala mo kung sinong madasalin) pero totoo yun, maraming beses na rin akong nasaktan, hanggang ngayon nasa ganitong sitwasyon parin ako, parang sayo, hindi rin alam kung anong gagawin sa buhay, basta..

Kung bumagsak ka sa una, malay mo sa susunod di kana masaktan, basta magpatuloy tayo sa buhay natin ng walang nasasaktang tao, kahit tayo mismonasasaktan, kung wala silang pakielam, eh di ganon ka nalang din, para patas di ba?

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments